Monday, June 18, 2007

Pinoy Big Brother: Pinoy Big Puppeteer

Ano ba ang nais na ipakita ng programang Pinoy Big Brother sa mga manonood? Ito ba ay kung paano malalampasan ng mga housemates ang mga task ni Big Brother o kung paano maging posible ang pagkokontrol sa mga buhay nila?
Ang Pinoy Big Brother ay isang programang ginagawang puppet ang mga taong nasa loob ng Big Brother House. Ito'y isang lantarang paglabag sa karapatang pantao. Ang lahat ng mga housemates ay sunod sunuran sa mga nais at gusto ni Big Brother. Kung pagmamasdan mong maigi kung paano sila pagalawin ay kulang nalang may makita tayong pisi sa mga ulo at kamay nila. Matatanggap ko pa kung katawan lang ang nakokontrol ni Big Brother ngunit pati ang mga puso at damdamin ng mga housemates ay nagawa naring kontrolin o paglaruan ni Big Brother. Kumbaga parang isang sabongan: Si Big Brother ang sumasabong, ang mga housemates ang manok. Isang halimbawa doon ay nung nagkaroon ng harap-harapang nominasyon. Ano ba ang nais na mangyari ni Big Brother? Pag-away awaying yong mga housemantes upang makita ng buong Pilipinas kung paano sila iiyak o upang tataas ang rating ng programa dahil sa totoong banggaan na nangyayari sa loob?
Si Big Brother ay kilala sa tawag na kuya. Sa tingin nyo karapat dapat ba na tawaging kuya ang tulad nya? Sana maisip ito ng programa. Mas dapat itong tawaging: Pinoy Big Puppeteer

3 comments:

-NiCe- said...

:) may punto k rin ginoong juan, kaya lng alalahanin mo rin na alam na ng mga housemates ang mga posibleng mangyayari bago sila pumasok ng bahay... at sa tingin mo ba hindi sila binabayaran sa mga bagay na yan? of course may kapalit ang lahat ng yan... :) kaya cool ka lng...

Jehzeel Laurente said...

hehehehehe.. kawawa ang pinoy big brother staff pag nabasa nila to.. lakas ng tama neto sa kanila! post kaya natin to sa abs cbn na site.. para makita nila ang kamalian ng programmang eto..

grabe lakas ng tama ng article na to.. lalo na sa mga bumubuo ng pinoy big brother! yeah! hehehe.. nice post po ^_^

moimoi said...

ala namang mali sa programa ah.. it's an artificial world. at hindi naman pinipilit ni kuya ang mga housemates. may choice din namn cla. harapang nominasyon ay isa ring task na dapat harapin ng mga housemates!pagpapakatotoo nga.. tsk tsk tsk... hehehehe.. pasenxa nahhh.. tingnan nyo rin po sana ang positive side ng programa..hehehe