Wednesday, June 20, 2007

Bakit masama ang tingin ng karamihan sa mga Muslim?


Kapag tayo'y nakakaring na ang isang tao ay Muslim, nag-iiba agad ang ating pakiramdam. Pinaghihinalaan agad natin ang taong iyon ay matapang, masama, mamatay tao at nakadikit sa terorismo. Ngunit hindi lahat ng mga muslim ay ganito. Sila rin ay tulad natin, iba nga lang ang kanilang paniniwala. Ang mga Muslim ay di lahat masasama.


Ngunit sino nga ba ang gumagawa ng kanilang mga imahe kundi sila-sila lang. Kung bakit masama ang tingin natin sa mga Muslim ay dahil karamihan sa kanila ay gumagawa ng masama. Halos lahat ng terorismo na nangyari dito sa mundo, sila ang pasimuno. Di naman natin masisisi ang ating mga sarili dahil nga sa mga negatibong mga pangyayari na ito kung saan dawit sila. Tulad nang nangyari sa May 14 elections kung saan nasaksihan natin ang lantarang pandaraya ng mga bayang Muslim sa Mindanao, kung ganito ang makikita natin na ginagawa nila, hinding-hindi maalis ang negatibong pagtingin natin sa kanila. Gusto nila na galangin natin sila ngunit kahit sila ay di marunong gumalang sa sarili nila. Kung nais talaga nilang galangin sila, dapat baguhin na nila ang ginagawa nila. Simulan muna nila sa kanilang mga sarili. Dahil hanggat di nila ipinapakita na karapat dapat silang galangin, kailanman hindi magbabago ang tingin natin sa mga Muslim. Ito ay totoo.


Tuesday, June 19, 2007

Ang payo ko para sa mga Pulitiko

Sa panahon ng kasaganahan, hindi mo makikilala ang tunay na kaibigan at sa panahon naman ng kasawian, hindi makakaila ang kaaway. Kapag ang lahat ay maayos, pati ang kaaway ay nagmamagandang loob, ngunit pagsapit ng dagok ng kapalaran, mawawala ang mga kaibigan.
Huwag kang magtitiwala kailanman sa kaaway, kung paanong ang kalawang ay kumakagat sa bakal, ang galit niya sa iyo'y pilit na iiral. Kahit na siya'y lumapit sa iyong maamo ang mukha at mapayapa, mag-ingat ka at manatili kang handa. Ang katulad niya'y salaming metal, kinakagat ng kalawang pag hindi kinuskos. Huwag mo siyang patayuin sa tabi mo, baka patalsikin ka niya at kunin ang iyong puwesto. Huwag mo rin siyang pauupuin sa iyong kanan, baka agawin pa niya sa iyo ang iyong luklukan. Habang ikaw ay matatag, ang kaaway mo ay hindi hahakbang laban sa iyo, ngunit kapag ikaw ay bumagsak, hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Magandang salita ang namumutawi sa labi niya, ngunit ang iniisip niya'y ang iyong kapamahakan. Maaring iiyakan ka pa niya kunwari, subalit pag nagkaroon siya ng pagkakataon, hindi nya panghihinayangan ang iyong buhay. Kapag dinatnan ka ng sakuna, lalapitan ka niya kunwari upang tulungan ka, ngunit ang totoo, upang ikaw ay lalong ilubog. Pagkatapos, buong kasiyahan niya ipamalita ang nangyari sayo.

Ang Pakikipagkaibigan

Ang magiliw na pangungusap ay nakakaakit mg maraming kaibigan, at ang matamis na pananalita'y susuklian ng magandang sagot. Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya at huwag mo siyang pagtiwalaan agad sapagkat may mga kaibigang mapagsamantala na di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan. May mga kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo at ibubunyag pa niya ang pagkagalit nyo, anupat lalabas kang kahiya-hiya. Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain, ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan. Sa kasaganahan, didikit siya sa iyo na parang anino, uutusan pa niya pati ang mga katulong mo; ngunit sa kasawia'y pababayaan ka niya, pagtataguan ka, at di mo na siya makikita.

Lumayo ka sa kaaway, at mag-ingat ka sa kaibigan. Ang matapat na kaibiga'y parang matibay na kuta, pag nakatagpo ka ng tulad niya'y para kang nakahukay ng malaking kayamanan.
Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan. Hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi. Kaya humanap ng tunay na kaibigan

Monday, June 18, 2007

Pinoy Big Brother: Pinoy Big Puppeteer

Ano ba ang nais na ipakita ng programang Pinoy Big Brother sa mga manonood? Ito ba ay kung paano malalampasan ng mga housemates ang mga task ni Big Brother o kung paano maging posible ang pagkokontrol sa mga buhay nila?
Ang Pinoy Big Brother ay isang programang ginagawang puppet ang mga taong nasa loob ng Big Brother House. Ito'y isang lantarang paglabag sa karapatang pantao. Ang lahat ng mga housemates ay sunod sunuran sa mga nais at gusto ni Big Brother. Kung pagmamasdan mong maigi kung paano sila pagalawin ay kulang nalang may makita tayong pisi sa mga ulo at kamay nila. Matatanggap ko pa kung katawan lang ang nakokontrol ni Big Brother ngunit pati ang mga puso at damdamin ng mga housemates ay nagawa naring kontrolin o paglaruan ni Big Brother. Kumbaga parang isang sabongan: Si Big Brother ang sumasabong, ang mga housemates ang manok. Isang halimbawa doon ay nung nagkaroon ng harap-harapang nominasyon. Ano ba ang nais na mangyari ni Big Brother? Pag-away awaying yong mga housemantes upang makita ng buong Pilipinas kung paano sila iiyak o upang tataas ang rating ng programa dahil sa totoong banggaan na nangyayari sa loob?
Si Big Brother ay kilala sa tawag na kuya. Sa tingin nyo karapat dapat ba na tawaging kuya ang tulad nya? Sana maisip ito ng programa. Mas dapat itong tawaging: Pinoy Big Puppeteer

Saturday, June 16, 2007

Paano malaman kung ang isang tao ay magaling manlibak o hindi

Di magaling manlibak:
  1. Biglang napapatahimik kung ang nililibak nila ay malapit
  2. Nag iiba ang facial expression nila na waring natatakot kung malapit yung nililibak nila
  3. Umaalis bigla kung malapit na nililibak at hinihila yung kausap sa isang tagong lugar at dun tatapusin ung panlilibak
  4. Gumagamit ng napaka obvious na sensyas (mata, bibig)
  5. Pautal-utal magsalita kung kinausap sila bigla ng taong nililibak nila

Magaling manlibak

  1. Kahit papalapit na yung taong nililibak, di parin siya tumitigil sa panlilibak at di nagg-iiba nag facial expression
  2. Magaling mga shift ng topic kapag malapit na talaga ang nililibak
  3. Di gumagamit ng senyas
  4. Magaling umarte
  5. Kung bigla silang kinausap ng nililibak, walang magbabago sa kanila na wari'y walang nangyaring libakan

Mag-ingat upang di malibak. Obserbahan ang tao kung paano sila manlibak para alam mo kung siya ay magaling o hindi. Ngunit isa lang ang payo ko, kahit ano pang sabihin nila, wag kang paapekto. Mas kilala mo ang sarili mo.

Ang mga palatandaan na ikaw ay nililibak

Kahit saan sa Pilipinas, uso ang panlilibak. Kapag panlilibak na ang pinag-uusapan, mas masarap pa ito sa Spaghetti. Ibibigay ko sa inyo ang mga palatandaan na ikaw ay nililibak. Pero bago tayo dumako dyan ay ibibigay ko muna kung bakit may mga taong nanlilibak:

1) Dahil sa inggit
2) Dahil ayaw nila sa iyo
3) Dahil nararamdaman nila na mas magaling ka kaysa sa kanila
4) Dahil pangit ka (pangit manamit, gumalaw, magsalita o ang iyong itsura)
5) Dahil alam nila na wala kang binatbat kaysa sa kanila
6) Dahil ikaw ay sadyang tanga

Ito ang mga kadalasang dahilan kung bakit ikaw ay nililibak. Ngayon ay dumako na tayo sa mga palatadaan na ikaw ay nililibak:

1) Kung dati napaka-ingay nila nung di kapa malapit sa kanila, at nung makalapit ka na ay bigla
nalang silang natahimik
2) Nakita mo na ang iba sa kanila ay tumatawa ng patago at ang iba naman ay sumisenyas ang

mata nila
3) Umiiba ang facial expression nila nung bigla mo silang kinausap
4) May iba rin na namumula ang mga mata o nagblush sila nung kinausap mo sila bigla
5) Mapapansin mo rin na ang iba sa ay may kakaibang senyasan.
6) Ang iba naman ay di sila makatingin ng diretso sa inyong mga mata
7) May iba ring nag-oopen bigla ng topic na halata namang natatakot o may iniiwasan.

Wag magpalibak. Tandaan ang mga palatandaan na ito para di ka magmukhang tanga. Kung may kakayahan kang prangkahan sila, gawin mo para alam nila na ikaw ay di basta basta. Walang taong tanga kung di nagpapakatanga