Tuesday, June 19, 2007

Ang Pakikipagkaibigan

Ang magiliw na pangungusap ay nakakaakit mg maraming kaibigan, at ang matamis na pananalita'y susuklian ng magandang sagot. Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya at huwag mo siyang pagtiwalaan agad sapagkat may mga kaibigang mapagsamantala na di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan. May mga kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo at ibubunyag pa niya ang pagkagalit nyo, anupat lalabas kang kahiya-hiya. Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain, ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan. Sa kasaganahan, didikit siya sa iyo na parang anino, uutusan pa niya pati ang mga katulong mo; ngunit sa kasawia'y pababayaan ka niya, pagtataguan ka, at di mo na siya makikita.

Lumayo ka sa kaaway, at mag-ingat ka sa kaibigan. Ang matapat na kaibiga'y parang matibay na kuta, pag nakatagpo ka ng tulad niya'y para kang nakahukay ng malaking kayamanan.
Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan. Hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi. Kaya humanap ng tunay na kaibigan

3 comments:

-NiCe- said...

:) may punto ka talaga jan ginoong juan, lubhang napakahirap makahanap ng mga tunay na kaibigan, bibihira lng ang mananatili lalo na pag oras ng kagipitan, doon mo kasi malalaman kung hanggang saan ka nila dadamayan, may iba lalapit lng sa iyo pag may kailangan, pero pag nakuha na nila ang kanilang gusto, bigla ka na lng nilang iiwan sa ere, yun ang masakit... ang maipapayo ko lng sa mga tagasubay2 ng blog na ito, huwag masyadong kulitin ang isang ituturing na kaibigan kasi pag siya naiinis sa iyo, maaring ikasira pa ito ng inyong magandang samahan, kahit na ang motibo mo ay para sa kanyang kabutihan... :)

-NiCe- said...

:) sana naman ginoong juan, maituring mo akong tunay na kaibigan... (napatunayan ko na naman siguro) sagutin mo naman ang aking mga comments, ni isa wala kang sinagot... ;)

Jehzeel Laurente said...

mukhang napapa dalas ang pag post ni ginoong juan ah.. welcome sa blogsphere! hehe