Tuesday, June 19, 2007

Ang payo ko para sa mga Pulitiko

Sa panahon ng kasaganahan, hindi mo makikilala ang tunay na kaibigan at sa panahon naman ng kasawian, hindi makakaila ang kaaway. Kapag ang lahat ay maayos, pati ang kaaway ay nagmamagandang loob, ngunit pagsapit ng dagok ng kapalaran, mawawala ang mga kaibigan.
Huwag kang magtitiwala kailanman sa kaaway, kung paanong ang kalawang ay kumakagat sa bakal, ang galit niya sa iyo'y pilit na iiral. Kahit na siya'y lumapit sa iyong maamo ang mukha at mapayapa, mag-ingat ka at manatili kang handa. Ang katulad niya'y salaming metal, kinakagat ng kalawang pag hindi kinuskos. Huwag mo siyang patayuin sa tabi mo, baka patalsikin ka niya at kunin ang iyong puwesto. Huwag mo rin siyang pauupuin sa iyong kanan, baka agawin pa niya sa iyo ang iyong luklukan. Habang ikaw ay matatag, ang kaaway mo ay hindi hahakbang laban sa iyo, ngunit kapag ikaw ay bumagsak, hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Magandang salita ang namumutawi sa labi niya, ngunit ang iniisip niya'y ang iyong kapamahakan. Maaring iiyakan ka pa niya kunwari, subalit pag nagkaroon siya ng pagkakataon, hindi nya panghihinayangan ang iyong buhay. Kapag dinatnan ka ng sakuna, lalapitan ka niya kunwari upang tulungan ka, ngunit ang totoo, upang ikaw ay lalong ilubog. Pagkatapos, buong kasiyahan niya ipamalita ang nangyari sayo.

3 comments:

-NiCe- said...

:) Correcto ginoong juan, mukhang ang dami mo na namang alam, naranasan mo na naman ba ang mga ito? ahahaha... nag tataka lng ako, ni minsan di nabanggit ang ang pulitiko, tapos yun ang naka lagay sa title mo... hmmmm? bakit kaya? ahahaha, pero sabagay may punto ka naman...

Jehzeel Laurente said...

wow ligo ng wika ang dating! hehehehe... link exchange po tayo.. uy yung ibang bloggers di maka comment sa blog mo.. dapat allow mo anonymous comment para kahit di taga blogspot maka comment... ^__^

Juang Manlilibot said...

Maraming salamat sa inyo. Akoy lubos na nasisiyahan dahil nagustuhan nyo ang mga ipinaskil ko na mga artikulo. Nais kong mag link exchange tau ginoong jehzeel ngunit di ko po alam kung ano ang gagawin. Maari nyo po ba akong tulungan sapagkat akoy baguhan pa sa larangan na ito. Maraming salamat