Friday, June 22, 2007
Wednesday, June 20, 2007
Bakit masama ang tingin ng karamihan sa mga Muslim?
Tuesday, June 19, 2007
Ang payo ko para sa mga Pulitiko
Ang Pakikipagkaibigan
Lumayo ka sa kaaway, at mag-ingat ka sa kaibigan. Ang matapat na kaibiga'y parang matibay na kuta, pag nakatagpo ka ng tulad niya'y para kang nakahukay ng malaking kayamanan.
Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan. Hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi. Kaya humanap ng tunay na kaibigan
Monday, June 18, 2007
Pinoy Big Brother: Pinoy Big Puppeteer
Ang Pinoy Big Brother ay isang programang ginagawang puppet ang mga taong nasa loob ng Big Brother House. Ito'y isang lantarang paglabag sa karapatang pantao. Ang lahat ng mga housemates ay sunod sunuran sa mga nais at gusto ni Big Brother. Kung pagmamasdan mong maigi kung paano sila pagalawin ay kulang nalang may makita tayong pisi sa mga ulo at kamay nila. Matatanggap ko pa kung katawan lang ang nakokontrol ni Big Brother ngunit pati ang mga puso at damdamin ng mga housemates ay nagawa naring kontrolin o paglaruan ni Big Brother. Kumbaga parang isang sabongan: Si Big Brother ang sumasabong, ang mga housemates ang manok. Isang halimbawa doon ay nung nagkaroon ng harap-harapang nominasyon. Ano ba ang nais na mangyari ni Big Brother? Pag-away awaying yong mga housemantes upang makita ng buong Pilipinas kung paano sila iiyak o upang tataas ang rating ng programa dahil sa totoong banggaan na nangyayari sa loob?
Si Big Brother ay kilala sa tawag na kuya. Sa tingin nyo karapat dapat ba na tawaging kuya ang tulad nya? Sana maisip ito ng programa. Mas dapat itong tawaging: Pinoy Big Puppeteer
Saturday, June 16, 2007
Paano malaman kung ang isang tao ay magaling manlibak o hindi
- Biglang napapatahimik kung ang nililibak nila ay malapit
- Nag iiba ang facial expression nila na waring natatakot kung malapit yung nililibak nila
- Umaalis bigla kung malapit na nililibak at hinihila yung kausap sa isang tagong lugar at dun tatapusin ung panlilibak
- Gumagamit ng napaka obvious na sensyas (mata, bibig)
- Pautal-utal magsalita kung kinausap sila bigla ng taong nililibak nila
Magaling manlibak
- Kahit papalapit na yung taong nililibak, di parin siya tumitigil sa panlilibak at di nagg-iiba nag facial expression
- Magaling mga shift ng topic kapag malapit na talaga ang nililibak
- Di gumagamit ng senyas
- Magaling umarte
- Kung bigla silang kinausap ng nililibak, walang magbabago sa kanila na wari'y walang nangyaring libakan
Mag-ingat upang di malibak. Obserbahan ang tao kung paano sila manlibak para alam mo kung siya ay magaling o hindi. Ngunit isa lang ang payo ko, kahit ano pang sabihin nila, wag kang paapekto. Mas kilala mo ang sarili mo.
Ang mga palatandaan na ikaw ay nililibak
Kahit saan sa Pilipinas, uso ang panlilibak. Kapag panlilibak na ang pinag-uusapan, mas masarap pa ito sa Spaghetti. Ibibigay ko sa inyo ang mga palatandaan na ikaw ay nililibak. Pero bago tayo dumako dyan ay ibibigay ko muna kung bakit may mga taong nanlilibak:
1) Dahil sa inggit
2) Dahil ayaw nila sa iyo
3) Dahil nararamdaman nila na mas magaling ka kaysa sa kanila
4) Dahil pangit ka (pangit manamit, gumalaw, magsalita o ang iyong itsura)
5) Dahil alam nila na wala kang binatbat kaysa sa kanila
6) Dahil ikaw ay sadyang tanga
Ito ang mga kadalasang dahilan kung bakit ikaw ay nililibak. Ngayon ay dumako na tayo sa mga palatadaan na ikaw ay nililibak:
1) Kung dati napaka-ingay nila nung di kapa malapit sa kanila, at nung makalapit ka na ay bigla
nalang silang natahimik
2) Nakita mo na ang iba sa kanila ay tumatawa ng patago at ang iba naman ay sumisenyas ang
mata nila
3) Umiiba ang facial expression nila nung bigla mo silang kinausap
4) May iba rin na namumula ang mga mata o nagblush sila nung kinausap mo sila bigla
5) Mapapansin mo rin na ang iba sa ay may kakaibang senyasan.
6) Ang iba naman ay di sila makatingin ng diretso sa inyong mga mata
7) May iba ring nag-oopen bigla ng topic na halata namang natatakot o may iniiwasan.
Wag magpalibak. Tandaan ang mga palatandaan na ito para di ka magmukhang tanga. Kung may kakayahan kang prangkahan sila, gawin mo para alam nila na ikaw ay di basta basta. Walang taong tanga kung di nagpapakatanga